Cool comebacks sa mga kaplastikan sa buhay - TrueID

Cool comebacks sa mga kaplastikan sa buhay

November 5, 2021

null

By Karen Mae de Vera

Ang parinigan A.K.A. passive aggressive comments ay hindi maiiwasan dahil ginagawa itong national pastime ng karamihan. Pero kahit inis ka na, h’wag mo nang patulan kasi masisira lang ang araw mo. Instead, magpaka-chill ka na lang and brush off the bad vibes with these cool comebacks. From relatives pressuring you to get married to the usual “Tumaba ka” greeting—sagot ka namin! (Because the only plastic thing should be your items.) 

 

“Bakit wala ka pang jowa?”

According to your relatives and random folks on the street, you are either too young to start dating or too old to be single—there is no in-between! But once you reach a certain age, naku, ito na lang palagi ang bungad sa’yo.

Cool Comeback: Wala pa pong pumapasa sa interview, eh! Baka may recommendations po kayo, paki-forward na lang ang CV nila sa akin. Salamat!

 

Hindi pa ba kayo magpapakasal?”

’Yung akala mo safe ka na dahil may bitbit kang jowa, but no, may bagong ipangungulit sa ’yo every reunion. Dalawa na kayong nasa hot seat!

Cool Comeback: Kayo lang ho ang inaantay namin, mag-a-adjust po kami sa schedule ninyo kasi kayo ang guest of honor. Please prepare a speech! Also, we will only accept monetary gifts!

 

Kailan kayo magkaka-anak? Gusto ko nang makapag-alaga ulit ng baby!”  

Mas atat pa ang ibang tao na magsimula ka ng sarili mong pamilya. Kasama sila sa usapan?!

Cool Comeback: Basta sagot ninyo ang gastusin, gagawa na kami ng baby now na!

null

“Tumataba ka yata ah!”

Hindi mawawala itong classic line na ito that might as well be the pambansang greeting ng Pilipinas. 

Cool Comeback: Busog lang sa pagmamahal! Ka-inggit ‘no?

 

*Insert offensive joke at your expense*

Old-school sketchy tito jokes are the type of throwback reference that you can live without reminiscing. 

Cool Comeback: Di ko gets. Bakit siya nakakatawa? Paki-explain in essay form. 

 

 

“Bakit di ka tumulad kay ________?” 

Need talaga mag-humblebrag tungkol sa pamangkin na doctor, abogado, engineer or yung anak ng kapitbahay na successful abroad?

Cool Comeback: Kayo kasi ang idol ko! Pa-shout out naman lods!

 

So the next time may ganap, h’wag magpapadala sa init ng ulo! Dala ka na lang food and drinks para mahimasmasan ang mga salarin. Kung lalagyan ang hanap mo, swak na swak ‘yung Orocan Koolit icebox na kering-keri to keep everything cold for up to a day (sing-cold ng remarks nila o kaya ng puso ng ex mo!) or to keep food warm dahil sa winner na foam insulation nito! May convenient cup holder pa to prevent the temptation of chucking your drink at the offending party. Kaya dapat saktong chillax lang at tularan ang cooling powers ng Orocan Koolit icebox. Get yours now sa Lazada or Shopee at abangan ang 11.11 sale because add-to-cart is life. If you want more kaplastikan, check mo na rin ang Orocan Facebook page.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...