‘Game KNB?’ magpapaulan muli ng papremyo simula Agosto 23 - TrueID

‘Game KNB?’ magpapaulan muli ng papremyo simula Agosto 23

Philippine EntertainmentAugust 21, 2021

Magpapaulan ng mas maraming premyo ang pambansang game show ng mga Pilipino saan man sa mundo sa “Game KNB?” Season 4 kasama si Robi Domingo na malalaro nang eksklusibo sa kumu app at mapapanood din sa Facebook page at YouTube channel ng Jeepney TV simula Lunes (August 23), 12nn.

Sa “GKNB 4EVER,” pwedeng manalo ng mula P25,000 hanggang P100,000 cash prize sa Pili-Pinas segment tuwing Martes habang patuloy naman ang pamimigay ng P10,000 cash prize sa masusuwerteng players tuwing Lunes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes.

Nagpapasalamat ang game master na si Robi sa matinding suporta ng mga manonood sa programa na magdiriwang ng unang anibersaryo ngayong Oktubre. Naghahanda rin ng mga bagong segment na tiyak kagigiliwan ng mga manonood.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...