Maymay Entrata, Tony Labrusca, Barbie Imperial, Jerome Ponce, at Janella Salvador kakarmahin sa bagong episodes ng ‘Click, Like, Share’

Philippine EntertainmentAugust 29, 2021

Trahedya ang magiging kapalit ng masasamang gawain sa social media nina Maymay Entrata, Tony Labrusca, Barbie Imperial, Jerome Ponce, at Janella Salvador sa ikalawang season ng original digital anthology series na “Click, Like, Share.”

Ngayong Setyembre 3, mapapanood ang apat na bagong episodes nito sa iWantTFC kada Biyernes ng 8 PM, dalawang araw bago ito ipalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z kada Linggo ng 8:30 PM.

Bibida si Maymay sa unang episode na “Lurker” bilang ang mahirap ngunit masipag na waitress na si Beng. Sanay sa pang-aapi si Beng ngunit magbabago siya pagkatapos siyang pahiyain ng isang mayaman na social media influencer na si Trish (Michelle Vito). Dahil dito, gagamitin ni Beng ang kasikatan ni Trish upang maghiganti at sirain ang buhay nito.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...