Charlie Dizon at Jameson Blake magkatuluyan pa kaya sa ‘My Sunset Girl’? - TrueID

Charlie Dizon at Jameson Blake magkatuluyan pa kaya sa ‘My Sunset Girl’?

Philippine EntertainmentAugust 18, 2021

Matupad pa kaya ni Ciara (Charlie Dizon) ang lahat ng pangarap sa bucket list niya kasama si Lucas (Jameson Blake) sa “My Sunset Girl”?

Malalaman na ni Ciara ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya na maaaring magbago sa relasyon nila ni Lucas sa pagtatapos ng iWantTFC original series ngayong Miyerkules (Agosto 18), 8 PM.

Durog na durog ang puso ni Ciara pagkatapos niyang malamang niloko lamang siya ni Lucas, at na pinlano nito mula umpisa ang pagpapaibig sa kanya kasama si Elias (JM Bascon), ang dating kasintahan ng ina ni Ciara na si Melissa (Mylene Dizon). Gusto kasi ni Elias na lokohin, maghiganti, at perahan si Ciara bilang kabayaran sa pagpapahirap sa kanya ni Melissa sa kulungan.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...