Jessica Villarubin, may natanggap na maagang birthday gift

Philippine Entertainment

May 10, 2021

May maagang regalong natanggap ang The Clash Season 3 champion na si Jessica Villarubin para sa paparating niyang ika-25 na kaarawan. Simula kasi noong Sabado, May 8, ay maaari nang ipre-order ang kaniyang upcoming single under GMA Music na ‘Beautiful’ sa iTunes!

Nakatakda itong i-release sa mismong birthday niya sa May 14 at swak na swak ang mensahe ng awitin para sa mga kababaihan. Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon ng transformation si Jessica at gusto niyang paalalahanan ang mga katulad niya na dati ay mahiyain at minsan nang na-bully na oras na para pahalagahan at unahin nila ang kanilang mga sarili.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso performer ang excitement para mapakinggan ng fans ang kaniyang bagong single, “Are you ready, Beautiful? ❤️ You’re in for a birthday treat this May 14, 2021!”

Abangan ang musical treat na ito ngayong Biyernes sa YouTube channel ng GMA Music at sa iba pang digital streaming platforms worldwide!

Loading...
Loading...
Loading...

Related News