GMA Network, patuloy sa paghahatid ng magagandang programa

Philippine EntertainmentMarch 10, 2021

Patuloy ang GMA-7 sa pagbibigay ng mga programang naghahatid ng drama, kilig, at saya sa kanilang loyal viewers.

Patunay na rito ang pinag-uusapan at talaga namang sinusubaybayang mga serye sa Afternoon Prime na Magkaagaw, Babawiin Ko Ang Lahat, Bilangin ang Bituin sa Langit, at primetime shows na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, Love of My Life, at Owe My Love.

Bukod pa riyan, pinaghahandaan na rin ng Kapuso Network ang ilan pa sa mga bagong programang tiyak na aabangan ng viewers.

Ilan sa mga ito ang GMA Inspire, Zoom-serye, Quarantitas, #Like4Like, The Fake Life, Ilaw, Frozen Love, Only Me and You, #Familygoals, Someone Like You, This Is Your Moment, at Sa Gillage.

Kagigiliwan din ang mga programang Ate Girls, Basketboys, Hapi And Gae, Jowa Sessions, Sana All, at Dreamland Hotel na mapapanood naman sa GTV.

Sinu-sino kaya ang mga Kapuso stars na aabangan sa mga programang ito? Tumutok lang sa GMA para sa iba pang mga detalye sa lahat ng upcoming shows na ito!

Read More
Loading...
Loading...
Loading...