Paboritong ABS-CBN movies at teleserye, may English subtitles at dubbing na sa YouTube

Philippine EntertainmentJune 24, 2021

Mga kwentong Pinoy na puno ng kilig, katatawanan, at saya ang mae-enjoy sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment sa pagpapalabas nito ng patok na Pinoy movies at mga teleserye na may English subtitles at dubbing mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 31.

Ito ang espesyal na handog ng ABS-CBN sa buong mundo bilang bahagi ng pagdiriwang nito ng kalayaan ng Pilipinas ngayong Hunyo.

Naka-English dubbing na ang sagutan nina Sara at Kara na parehong ginampanan ni Julia Montes sa patok na seryeng “Doble Kara.” Dito, muling masusundan ang kwento ng magkakambal na pinaglayo at pagtatagpuin ng tadhana at may magkaibang ugali at ambisyon.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...