‘Babaeng Unggoy’ episode ng ‘Wish Ko Lang,’ patok sa viewers at netizens - TrueID

‘Babaeng Unggoy’ episode ng ‘Wish Ko Lang,’ patok sa viewers at netizens

Philippine EntertainmentAugust 18, 2021

Marami ang tumutok sa “Babaeng Unggoy” episode ng ‘Wish Ko Lang’ nitong Sabado (August 14). Bukod sa nakakuha ito ng mataas na ratings, pumalo na rin as of this writing sa 1.7 million ang Facebook views ng nasabing episode na pinagbibidahan ni Manilyn Reynes.

Si Manilyn ang gumanap na ‘babaeng unggoy” na si Sara, isang babaeng may medikal na kondisyon na nagdudulot ng sobra-sobrang pagtubo ng buhok sa kanyang mukha at katawan. Kasama rin niya sa episode sina Ahron Villena, Gladys Reyes, Almira Muhlach, Tina Paner, Anna Vicente, at ang Internet sensation na si Jomar Yee.

Sa two-part story, nahulog ang loob ng binatang si Kevin (Ahron) kay Sara kahit na kakaiba ang kanyang anyo. Okay naman sana ang pagsasama nila pero laking gulat ni Sara nang malaman niyang pinagtataksilan pala siya ni Kevin at ng best friend niyang si Faith (Gladys). Ang malala, alam pala ng dalawang kaibigan niya (Tina at Almira) ang tungkol dito!

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...