Sofia Andres, nabaliw sa selos, muntik sagasaan si Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’ - TrueID

Sofia Andres, nabaliw sa selos, muntik sagasaan si Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’

Philippine EntertainmentOctober 27, 2021

Desperada na si Rachel (Sofia Andres) na mawala si Lena (Erich Gonzales) sa buhay niya dahil sasadyain niyang sagasaan ito ngayong linggo sa “La Vida Lena” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Buti na lamang at daplis lang ang makukuha ni Lena sa sasakyang minamaneho ni Rachel. Pero imbes na magdiwang, magluluksa lang si Rachel dahil tuluyan na siyang susukuan at iiwan ng asawang si Miguel (Kit Thompson) na hindi na makayanan ang mga pinaggagawa niya kay Lena.

Nasisiraan na ng bait si Rachel dahil bukod sa sobra-sobra na pagseselos kay Lena, hindi rin niya matanggap na umaalagwa ang mga produktong pampaganda na ibinebenta nito. Gumana rin ang pagpapa-interview ni Lena sa TV para ibahagi ang kwento ng kanyang buhay pagkatapos niyang ma-bash dahil sa pagkakalat ni Rachel ng itsura ni Lena bago ito magparetoke.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...