Audition video ng ‘Idol’ hopeful na si Ryssi Aliva, umani ng 3M views sa YouTube - TrueID

Audition video ng ‘Idol’ hopeful na si Ryssi Aliva, umani ng 3M views sa YouTube

Philippine EntertainmentJuly 18, 2022

Top trending at umani ng lampas tatlong milyong views ang audition video ni Ryssi Avila sa YouTube kung saan kinanta niya ang “Alipin” ng Shamrock at nasungkit ang pangatlong platinum ticket mula kay Moira Dela Torre nitong Sabado (Hulyo 9) sa bagong season ng “Idol Philippines.”

Napukaw at naluha ang Idol Philippines judge na si Moira sa performance ng 21-taonggulang na social media personality. Aniya, “Parang ngayon lang ako naiyak at nakaconnect ng ganon. I only have this one chance to do this for this whole season. I feel it in my bones na ikaw ‘to. Para sa’yo ‘to. You were called for such a time as this.”

Para kay Ryssi, isang malaking pagkakataon para kaniyang singing career ang pag-audition sa “Idol Philippines.” Matapos kasing masangkot ang kaniyang pangalan sa isyu ng isang social media couple noong 2020, nawalan siya ng tiwala sa sariliat muntik nang sukuan ang pangarap niyang maging ganap na singer.

Ipinakita naman ni Moira ang kaniyang suporta kay Ryssi sa kaniyang pagbalik sa pagkanta. “Just because your past was broken doesn’t mean your future has to be,” hugot ni Moira.

Lubos din na pinuri ng iba pang Idol judges na sina Regine Velasquez, Chito Miranda, at Gary Valenciano ang galing ni Ryssi sa pagkanta.Sa ngayon, nag-iintay na lang si Ryssi kasama sina Dominic Hatol at Kimberly Baculo sa mga iba pa nilang makakalaban sa solo round.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...