Finale week ng ‘The Fake Life,’ dapat tutukan! - TrueID

Finale week ng ‘The Fake Life,’ dapat tutukan!

Philippine EntertainmentSeptember 20, 2022

Kapana-panabik ang bawat eksena sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime drama series na ‘The Fake Life.’

Sa huling Linggo, malalaman na kung saan magtatapos ang kwento ng programang pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Ariel Rivera, at Sid Lucero.

Habang lumalala ang sakit ni Onats (Ariel) at unti-unti na itong nawawalan ng pag-asa, gusto na ni Mark (Sid) na makaalis ng bansa kasama ang mga anak na sina Jaycie (Shanelle Agustin) at Jonjon (Carlos Dala).

Malalaman kaya ni Cindy (Beauty) ang totoong kalagayan ni Onats? O maiiwang mag-isa si Onats?

Patuloy na tutukan ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. pagkatapos ng Return To Paradise sa GMA Afternoon Prime.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...