YouLOL, kalahating milyon na ang subscribers!

Philippine EntertainmentMay 24, 2021

Mas special at memorable ang pagdiriwang ng first anniversary ng official comedy YouTube channel ng GMA Network na ‘YouLOL’ matapos na umabot sa kalahating milyon ang bilang ng subscribers nito.

Mayo ng nakaraang taon nang opisyal na ini-launch ang YouLOL upang magbigay ng exclusive at cutting-edge comedy content sa mga Kapuso.

Patok naman sa viewers ng YouLOL ang good vibes na hatid ng naturang channel dahil as of May 23 ay may over 146 million lifetime views na ito. Bukod pa rito, benta rin ang mga nakakaaliw na videos na hatid ng YouLOL sa kanilang TikTok account na umabot na sa 1.1 million ang followers.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...