Coco Martin, tumanaw ng utang na loob sa mga Pilipino, nangako ng mas kaabang-abang na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ - TrueID

Coco Martin, tumanaw ng utang na loob sa mga Pilipino, nangako ng mas kaabang-abang na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Philippine EntertainmentAugust 19, 2021

Wagas na pasasalamat ang inialay ni Coco Martin sa lahat ng Pilipinong nagmamahal at sumusuporta sa “FPJ’s Ang Probinsyano” habang pinaghahandaan niya ang makasaysayang ikaanim na taon ng serye ngayong Setyembre.

“‘Yan ang Pilipino. Marunong tumanaw ng utang na loob kung ano man ang ibinigay sa ‘yo at kung anuman ang ginawang maganda sa ‘yo. At mahirap kalimutan ‘yun. Habangbuhay kong tatanawin ng utang na loob. Maraming salamat po,” pahayag ng pasasalamat ni Coco.

Inimbitahan ni Coco, na nagsisilbing isa sa mga direktor at ang creative head ng serye, ang mga manonood sa buong mundo na abangan ang bagong kwento at mga bagong karakter, kung saan makakasama ang bagong leading lady niyang si Julia Montes.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...