Pokwang, relate sa karakter niya sa ‘Wish Ko Lang?’

Philippine Entertainment

July 2, 2021

Ang bagong Kapuso na si Pokwang ang isa sa mga artistang bibida sa month-long anniversary special ng Wish Ko Lang para sa ika-19 taon nito. Mapapanood ang episode ni Pokwang ngayong Sabado (July 3) kasama sina Jeric Gonzales at Arra Gonzales.

Masaya raw si Pokwang na makabilang siya sa selebrasyon na ito ng programa ni Vicky Morales. “Sobrang excited kasi kasama ako sa mahalagang pagdiriwang ng programa—ang kanilang anibersaryo. Nakakatuwa talaga,” say ni Pokwang na gaganap bilang si Virgie, isang teacher na “married to the job,” ika nga.

Sa hindi inaakalang pagkakataon, magku-krus muli ang landas nila ng isa sa mga dati niyang estudyante na si Joshua (Jeric Gonzales) na magiging manliligaw niya. Pero tutol dito ang ex-girlfriend ni Joshua na si Pauline (Arra San Agustin), na dati ring estudyante ni Virgie.

Loading...
Loading...
Loading...

Related News