Bakit nga ba tinanggihan ni Sheryl Cruz ang ‘Magkaagaw’ noong una?

Philippine EntertainmentMarch 10, 2021

Very happy ang premyadong aktres at Magkaagaw star na si Sheryl Cruz sa magandang feedback na natatanggap ng high-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.

Sa interview niya sa At Home With GMA Regional TV, inamin ni Sheryl na tinanggihan n’ya ang role ni Veron Santos noong unang inalok sa kanya dahil napakarami raw hinihingi ng karakter sa kanya.

Ani Sheryl, “In the beginning, I actually turned down the project because ang dami-daming hinihingi. Ito ‘yung pinaka-daring kong character sa TV drama na ginawa ko. But I was so happy that I was able to do it and successfully portray the role of Veron.”

Dagdag pa niya, “One of the reasons why I reconsidered the role is because the story of ‘Magkaagaw’ actually revolves around Veron Santos kasi na-fuel ang kanyang pang-aagaw kasi siya ang unang inagawan ng asawa.”

Nagkumento rin si Sheryl sa libu-libong fans na humahanga sa kanyang mahusay na pagganap bilang kalaguyo ni Jio, na ginagampanan ni Jeric Gonzales, sa serye.

“Actually they’re very affected, ano? Which means I did my job right. Kasi kung walang naapektuhan siguro mali ‘yung ginawa mong portrayal. But then, siguro dapat i-open na natin ang ating senses sa pagtanggap na characters are just characters na dapat hindi gawing personal. It’s our job as actors to deliver entertainment for our viewers.”

Kwento pa niya, “Maraming level up na confrontation scenes not only between Laura (Sunshine Dizon) and Veron, kundi pati na rin kay Clarisse (Klea Pineda) and Veron, Jio and Veron, Gilda (Patricia Tumulak) and Veron. So you have to watch out for that.”

Patuloy na subaybayan ang Magkaagaw mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...