Kit Thompson, may masamang balak kay Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’ - TrueID

Kit Thompson, may masamang balak kay Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’

Philippine EntertainmentJuly 11, 2021

Tuloy-tuloy ang pagbibilog ni Miguel (Kit Thompson) sa utak at puso ni Magda (Erich Gonzales) sa teleseryeng “La Vida Lena,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dumating si Miguel na parang prinsipe sa buhay ni Magda, pero ang gusto lamang niya ay makuha ang tiwala nito para makumbinsi ang dalaga na ibenta ang formula ng patok nitong Magda Magic Soap sa Royal Wellness, ang kumpanya ng makapangyarihang si Vanessa Narciso (Agot Isidro).

May utang na loob kasing kailangang bayaran si Miguel sa tiyahin niyang si Vanessa na siyang kumupkop at nagpalaki sa kanya.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...