Heaven Peralejo, manganganib sa ‘Bagong Umaga’ season finale

Philippine Entertainment

April 27, 2021

Malapit na mapatunayan ni Tisay (Heaven Peralejo) ang pagkakasangkot ni Diana (Glydel Mercado) sa mga trahedyang nangyari sa kanyang pamilya at sa mga kaibigan ngayong huling linggo ng “Bagong Umaga.” Ngunit manganganib ito at ang kanyang mga magulang dahil nakatakas si Diana habang inililipat sa ibang mental facility.

Natuklasan ng ospital at mga awtoridad na nakikipag-usap si Diana sa mga kahinahinalang mga tao sa labas gamit ang isang telepono. Hindi alam ng lahat, sinadya ni Diana na mahuli dahil magkakaroon ito ng pagkakataon na tumakas.

Hindi nakuntento si Diana sa pagtakas at nang malamang buhay ang tunay na anak na si Angge. Gusto pa rin nito na maghiganti sa mga Veradona dahil naniniwala itong sasama sa kanya ang anak kapag mawala na si Tisay.

Ngunit hindi niya ito magagawa nang walang tulong ng isa pang kaaway ni Ian – si Matthew (Richard Quan).

Makumbinsi kaya ni Diana si Matthew na patayin ang mga Veradona? Mailantad kaya ang balak ng dalawa?

Panoorin ang pagtatapos ng “Bagong Umaga” ngayong linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Loading...
Loading...
Loading...

Related News