Mga bigating collab performance, aarangkada ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’ - TrueID

Mga bigating collab performance, aarangkada ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Philippine EntertainmentAugust 28, 2021

Hatid muli ng “ASAP Natin ‘To” sa mga manonood ang mga bonggang fresh all-star performance mula sa mga naglalakihang Kapamilya star, tulad ng bigating collabs mula sa mga kilalang OPM stars, matinding sayawan, at marami pang iba ngayong Linggo (Agosto 29) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Uulan ng bigating collabs, kabilang na ang pure energy performance nina Kyle Echarri, Iñigo Pascual, at Gary Valenciano; senti jamming mula sa The Juans kasama si Asia’s Pop Heartthrob Darren; “Beautiful Days” kantahan nina Kyla at iDolls; at ang soulful duet nina Bamboo at Klarisse de Guzman.

Pakatutukan ang engrandeng movie hits number mula sa inyong ASAP family, kabilang sina Janine Gutierrez, Angeline Quinto, at marami pang iba. Maki-hataw naman kasama ang mga paborito ninyong artista, tulad ng nagbabagang dance number ni Andrea Brillantes, hatawan ng popular Kapamilya loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Aljon Mendoza at Karina Bautista, at Kyle Echarri at Francine Diaz, kasama sina Sheena Belarmino at Enchong Dee sa “Star Magic Presents.”

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...