Alden Richards, Sofia Pablo, at Jennylyn Mercado wagi sa 2nd Village Pipol Choice Awards

Philippine EntertainmentMarch 10, 2021

Muling nakatanggap ng karangalan ang ilang Kapuso stars sa nagdaang 2nd VP Choice Awards (VPCA) ng Village Pipol Magazine noong Sabado, Marso 6.

Sa isang virtual awarding ceremony ay tinanggap nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Prima Donnas actress Sofia Pablo, at Ultimate Star Jennylyn Mercado ang kani-kanilang awards.

Wagi ang December 2020 Village Pipol cover ni Alden na ‘The End/The Start: A Decade of Reflections with Alden Richards’ ng ‘Cover of the Year.’ Samantala, panalo naman ang exclusive feature ni Sofia noong Pebrero 2020 na may pamagat na ‘In The Making’ ng ‘Spotlight of the Year.’

Tinanghal naman si Jennylyn bilang ‘TV Actress of the Year’ dahil sa kaniyang mahusay na pagganap bilang Dr. Maxine sa Philippine adaptation ng Koreanovelang ‘Descendants of the Sun.’

Kinikilala ng VPCA ang mga premyadong personalidad sa showbiz, mga patok na brands sa industriya, at mga indibidwal na namumukod-tangi sa kanilang mga karera.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...