Belle Mariano, hinirang na Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2022 - TrueID

Belle Mariano, hinirang na Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2022

Philippine EntertainmentSeptember 7, 2022

Pinangalanan ang “He’s Into Her” star na si Belle Mariano bilang isa sa Outstanding Asian Stars sa nalalapit na 17th Seoul International Drama Awards 2022 na ipapalabas nang live sa Setyembre 22.

Matapos ang isang buwan na botohan ng global fans sa Idol Champ application, tinanghal ang Kapamilya actress bilang Philippine winner kasama ang apat pang Asian artists. 175 na mga aktor at aktres galing sa Japan, China, Thailand, Taiwan, at Pilipinas ang nominado para sa parangal na ito.

Inorganisa ng Seoul Drama Awards Organizing Committee at Korean Broadcasters Association ang Seoul International Drama Awards, kasama ang Ministry of Culture, Sports and Tourism, Seoul Metropolitan Government, at iba’t ibang Korean broadcast stations. Isa itong prestihiyosong drama festival na pinagsasama-sama ang television drama productions sa iba’t ibang panig ng mundo upang mapalago ang cultural diversity.

Bibida din si Belle sa pelikula ng Star Cinema na “An Inconvenient Love” kasama ang onscreen partner na si Donny Pangilinan.

Pinangunahan din ng tandem ang matagumpay na “He’s Into Her: All Access” concert na ginanap noong Agosto 27. Nakilala ang aktres dahil sa pagganap niya bilang si Maxpein Del Valle Luna sa “He’s Into Her” at Gabbie Salazar sa “Four Sisters Before the Wedding.”

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...