Sylvia Sanchez, nawawalang lola nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa ‘Huwag Kang Mangamba’ - TrueID

Sylvia Sanchez, nawawalang lola nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Philippine EntertainmentAugust 25, 2021

Nadiskubre na nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) na si Barang (Sylvia Sanchez) ang lola nilang matagal na nilang pinaghahanap sa Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Natuklasan ng magkapatid na si Barang ang kanilang lola matapos ang isinagawang pananaliksik ng mamamahayag na si Eva (Mylene Dizon), na siyang nagturo kay Fatima, ang nanay nina Mira at Joy, bilang ang anak ni Barang na ilang taon na rin niyang hinahanap.

Dahil sa rebelasyong ito, naniniwala sina Mira at Joy na napapalapit na sila sa katotohanan tungkol sa biglaang pagkawala ni Fatima sa tulong ng Lola Barang nila, na nailabas na rin mula sa mental facility.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...