John Arcilla at Tirso Cruz III, magkakampi na laban kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ - TrueID

John Arcilla at Tirso Cruz III, magkakampi na laban kay Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Philippine EntertainmentOctober 22, 2021

Paliit nang paliit ang mundong ginagalawan ni Cardo (Coco Martin) dahil isang malakihang manhunt ang isinasagawa ng kanyang mga kalaban para tugisin at wakasan ang buhay niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mas malakas ang mga kalabang haharapin ni Cardo dahil sa pagsasanib-pwersa nina Renato at Arturo (John Arcilla at Tirso Cruz III), dalawa sa pinakamakapangyarihang opisyales ng gobyerno. Parehong nanggigigil sa galit sina Renato at Arturo kay Cardo dahil akala nila na ito ang responsable sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pagkakataon din ito ni Renato upang sirain ang reputasyon ni Cardo sa publiko at mapabango ang kanyang imahe sa paparating na halalan.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...