Myrtle Sarrosa, pag-aawayan nina Benjamin Alves at Mike Tan? - TrueID

Myrtle Sarrosa, pag-aawayan nina Benjamin Alves at Mike Tan?

Philippine EntertainmentAugust 26, 2021

Siguradong riot na naman sa katatawanan at masayang kuwentuhan sa fresh episode ng comedy anthology na Dear Uge Presents ngayong Linggo, August 29.

Tampok sa episode na pinamagatang ‘Tom, Dick, and Gery’ sina Benjamin Alves bilang Tom, Mike Tan bilang Dick, Dave Bornea bilang Alex, at Myrtle Sarrosa bilang Gery.

Nang mabakante ang kuwarto ni Alex at iwan ang kanyang housemates na sina Tom at Dick, nirentahan ito ni Gery. Sa pagdating ni Gery ay sabay namang masisira ang pagkakaibigan nina Tom at Dick.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...