ABS-CBN Foundation, inaalala ang buhay ni Gina Lopez sa kanyang ikalawang Death Anniversary - TrueID

ABS-CBN Foundation, inaalala ang buhay ni Gina Lopez sa kanyang ikalawang Death Anniversary

Philippine EntertainmentAugust 16, 2021

Inaalala ng ABS-CBN Foundation ang mga nagawa at naging buhay ng founder at lider nitong si Gina Lopez, at kung papaanong nagpapatuloy ang kanyang “Genuine Love,” ngayong papalapit na ang ikalawang anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

May espesyal na retrospective episodes sa “Kapamilya Konek” sa Teleradyo sa Agosto 17 at sa advocacy show na sinimulan ni Gina, “G Diaries,” na mapapanood sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa Agosto 22 at 29.

Ang mga pagbabaliktanaw ay may temang “Remembering Gina: Pag-alaala at Pagpapatuloy,” kung saan tatalakayin ang kanyang pamana ng pagbabago at pagmamahal—ang pagmamahal sa mga kababayan, sa kalikasan, at sa buong sangkatauhan.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...