Edu Manzano, tutol kina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa ‘Marry Me, Marry You’ - TrueID

Edu Manzano, tutol kina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa ‘Marry Me, Marry You’

Philippine EntertainmentOctober 19, 2021

Gustong sirain ni Emilio (Edu Manzano) ang relasyon nina Andrei at Camille (Paulo Avelino at Janine Gutierrez) dahil susuhulan niya si Camille ng milyon-milyong pera para hiwalayan ang kanyang anak ngayong linggo sa “Marry Me, Marry You,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mamaliitin at aakusahan ni Emilio si Camille na pineperahan lamang nito ang anak niyang si Andrei para makaangat sa buhay. Dahil dito, hihilingin ni Emilio na maghiwalay na sila at at mag-resign na si Camille sa kumpanya ng binata.

Pero hindi lang sa personal na buhay ni Andrei gustong makialam ni Emilio. Balak din niyang gamitin si Camille para kumbinsihin si Andrei na makipag-negosasyon ito sa kumpanya niya.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...