Jerry Yan, sinasabotahe sa ‘Count Your Lucky Stars’

Philippine Entertainment

April 27, 2021

Mas tumitindi ang mga kaganapan sa buhay ni Calvin Lu (Jerry Yan) dahil may pilit na humihila sa kanya pababa sa “Count Your Lucky Stars” (CYLS) na napapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa episode kagabi (April 26), gustong sirain ni Sarah, ang kasalukuyang editor-in-chief ng CHIC magazine, ang comeback ni Calvin sa hit talent reality show na “Next on the Runway.” Kinumbinsi nito ang kanyang model na isabotahe ang kanyang design sa kumpetisyon para tuluyang masira ang reputasyon ni Calvin sa publiko.

Buti nalang, narinig ni Andi (Shen Yue) ang pag-uusap ni Sarah at ang dapat modelo ni Calvin kaya natimbrihan kaagad niya ito. Pero kibit balikat lang ang ginawa ni Calvin sa balita ni Andi.

Samantala, nanabik ang Asianovela fans na sumusunod sa kwento ng CYLS sa Kapamilya Online Live. Ani nila, ‘bitin’ ang mga pangyayari sa bagong episode.

Tuluyan na kayang masira ang career comeback ni Calvin bilang fashion designer? Abangan ‘yan sa “Count Your Lucky Stars” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 pm sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube), A2Z (free TV), at TV5 (free TV). Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Loading...
Loading...
Loading...

Related News