Barbie Forteza, mabubunyag na ang sikreto? - TrueID

Barbie Forteza, mabubunyag na ang sikreto?

Philippine EntertainmentSeptember 3, 2021

Tutukan ang maaksyon at puno ng rebelasyon na pagtatapos ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ presents ‘Captain Barbie’ ngayong Linggo, September 5.

Hindi nagustuhan ni Goldino (Thou Reyes) ang pakikipagtulungan ni Captain Barbie (Barbie Forteza) sa mga pulis kung kaya dinakip nito sina Andrew (Anjo Damiles), Ysabel (Lianne Valentin), at Dave (Kimson Tan).

Habang nasa katauhan ni Captain Barbie, pinuntahan ni Bruce (Jeric Gonzales) ang hideout ng gold-loving villain na si Goldino upang iligtas ang kanyang mga kaibigang pulis.

Dito na nga ba matutuklasan ni Andrew na ang kanyang hinahangaang Captain Barbie ay ang kaibigan niyang si Bruce? Mailigtas pa kaya ni Bruce ang kanyang mahal na si Ysabel?

Tutukan ang exciting na pagtatapos ng ‘Captain Barbie’ sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo, 7PM, sa GMA-7.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...