Kelvin Miranda at Kate Valdez, bagong tambalan na aabangan sa ‘Unica Hija’ - TrueID

Kelvin Miranda at Kate Valdez, bagong tambalan na aabangan sa ‘Unica Hija’

Philippine EntertainmentOctober 12, 2022

Excited na ang fans sa pinakaunang pagtatambal nina Kelvin Miranda at Kate Valdez sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Unica Hija.’

Curious na rin ang ilang Kapuso viewers dahil not just one, but two ang gagampanang role ni Kate. Ang tanong nila ngayon, sino ang makakatuluyan ni Kelvin? Hindi rin maikaila ng ilang Facebook netizens na bagay na bagay ang dalawa, “Bagay sila. Parehas maganda ang mga mata, very expressive.”

Dahil isang drama-sci-fi series ang Unica Hija, hindi lamang iikot ang istorya sa pagdadaanan ng pamilya. Tiyak na marami pang twist ang dapat na abangan ng Kapuso viewers.

Makakasama rin nina Kelvin at Kate sa serye sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo, Maricar De Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla, at Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...