Sino kaya ang magwawaging ‘PBB Connect’ Big Winner sa Linggo?

Philippine EntertainmentMarch 14, 2021

Bukod sa pinaka-aabangang anunsyo kung sino ang magiging Big Winner ng season na ito, sandamakmak na pasabog at bonggang performances ang dapat abangan ng viewers sa magaganap na Big Night ng “Pinoy Big Brother: Connect” ngayong Linggo (Marso 14), 9 pm na mapapanood ng live sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, TV5, at sa opisyal na “PBB” account sa Facebook at Kumu.

Mangunguna sa kauna-unahang virtual Big Night ang hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee, Maymay Entrata, at Richard Juan. Tampok din ang dating mga housemate ni Kuya mula sa iba’t ibang edisyon ng “PBB” tulad nina Edward Barber, Heaven Peralejo, Jem Macatuno, Maris Racal, Ryan Bang, Vivoree Esclito, Zeus Collins, at marami pang iba.

Dapat din abangan ang reunion ng ilan sa “PBB” Big Winners mula sa iba’t ibang season, ang pagpapakilig ng KarJon at KaoRhys, pati na ang pagdalo ng cast ng “Bagong Umaga.”

Magpapasaya rin ang rising P-POP boy group na BGYO sa Big Night matapos silang maging bahagi ng isang espesyal na P-Pop week ni Kuya sa “PBB Connect.”

Sasalubong din sa Big Winner sina Charlie Dizon, Francine Diaz, Toni Labrusca, at marami pang Kapamilya stars.

Magkakaroon rin ng big announcement ang “PBB” at Kumu na magbibigay ng liwanag at ligaya sa mga tagahanga at tagasuporta ng lahat ng naging housemates ng season na ito.

Samantala, para naman sa fans ng Big 4 na sina Andrea, Jie-Ann, Liofer, at Kobie, maaaring ipakita ng kanilang fans ang pagmamahal at suporta sa pagiging virtual audience sa Big Night sa KTX.ph. Sa presyong P199, na ilalaan bilang donasyon sa charity, mapapanood na ang Big Night at may exclusive pass din sa gagawing virtual media conference pagkatapos makilala ang magiging Big Winner.

Sino kaya ang magwawagi at tatanghaling “PBB Connect” Big Winner sa Linggo? Abangan ‘yan sa “PBB Connect” Big Night, 9 pm. Para sa ibang balita, i-follow @ABSCBNPR on Facebook, Twitter, and Instagram, or visit abs-cbn.com/newsroom.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...