‘Diva,’ ang South Korean mystery thriller kung saan masusubok ang katinuan ng isang diving champion - TrueID

‘Diva,’ ang South Korean mystery thriller kung saan masusubok ang katinuan ng isang diving champion

Philippine EntertainmentJuly 12, 2021

Inihahandog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment ang Diva, ang South Korean mystery thriller kung saan masusubok ang katinuan ng isang diving champion. Mapapanood ito sa Vivamax simula July 15, 2021.

Si Lee-young ay kinikilalang “Diva of the Diving World” dahil siya lagi ang nagwawagi ng ginto sa mga kumpetisyon. Ang kanyang kaibigan na si Su-jin ay mahusay rin sa larangang ito, ngunit lagi lamang siyang nasa anino ni Lee-young.

Sa kagustuhan niyang ibahagi ang atensyon ng madla kay Su-jin, nagpasya si Lee-young na sumali silang dalawa sa synchronized diving. Ngunit isang malagim na aksidente ang nangyari sa dalawa. Tumilapon ang kanilang sasakyan sa dagat, at nawalan ng memorya si Lee-young, samantalng hindi na lumutang pa si Su-jin.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...