Roxanne Guinoo, sinagot na si Joross Gamboa sa ‘Hoy, Love You’ sa Kapamilya Channel - TrueID

Roxanne Guinoo, sinagot na si Joross Gamboa sa ‘Hoy, Love You’ sa Kapamilya Channel

Philippine EntertainmentAugust 26, 2021

Nakamit na sa wakas ni Jules (Joross Gamboa) ang matamis na sagot ni Marge (Roxanne Guinoo-Yap) na matagal na niyang inaasam sa “Hoy, Love You” ng Kapamilya Channel at A2Z.

Matapos malaman na hindi pala lumayas ang kanilang mga anak na sina Charles (Aljon Mendoza) at Joana Rose (Brenna Garcia) patungo sa hidden island, nakahanap ng oras si Jules para muling tanungin sa Marge sa tungkol sa kanyang proposal.

Pero kahit opisyal na silang magkasintahan, may balakid pa rin sa kanilang pagmamahalan. Magsasanib-pwersa ang ina at ex ni Marge na sina Elizabeth (Carmi Martin) at Richard (Dominic Ochoa) upang hindi magkatuluyan sina Marge at Jules. Boto si Elizabeth kay Richard dahil mayaman ito at mabibigyan daw ng magandang kinabukasan ang kanyang anak at apo.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...