Gerald Anderson at Yam Concepcion, pagbabayarin si JM de Guzman sa mga krimen sa ‘Init Sa Magdamag’ - TrueID

Gerald Anderson at Yam Concepcion, pagbabayarin si JM de Guzman sa mga krimen sa ‘Init Sa Magdamag’

Philippine EntertainmentSeptember 2, 2021

Gagawin nina Tupe (Gerald Anderson) at Rita (Yam Concepcion) ang lahat para makulong na nang tuluyan si Peterson (JM de Guzman) matapos itong ipaaresto ng dalawa sa tangkang pagpatay at pagkamatay ni Miguel Salcedo (Joey Marquez) sa huling walong gabi ng “Init sa Magdamag.”

Matapos hindi sundin ang utos na patayin si Tupe, isiniwalat ni Joko (Manuel Chua) sa doktor ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa pagkamatay ng ama. Inamin nito na inutusan siya ni Peterson na takutin at bugbugin si Tupe para hindi na makalapit kay Rita.

Handa na rin siya na tumestigo laban kay Peterson para makuha ni Tupe ang hustisya sa pagkamatay ng ama. Nayanig si Tupe sa rebelasyon at ginustong malaman ang iba ang kasabwat nito, ngunit hindi nito napilit si Joko dahil hindi pa handa lumantad ang kanyang mga kasama. Ang hindi nila alam, may mahalagang ebidensya na hawak si Lab (Boom Labrusca) nang makunan niya ang pag-uusap nina Joko at Peterson matapos mapatay nila ang ama ni Tupe.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...