First podcast nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naka-5 million views na! - TrueID

First podcast nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naka-5 million views na!

Philippine EntertainmentSeptember 20, 2022

Nag-viral at mayroong mahigit 5M views na sa Tiktok ang kauna-unahang episode ng ‘MavLine On Me’ podcast ng Sparkle love team na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Nakuha rin nito ang 7th spot sa Top 10 Spotify Philippines’ Top Podcast chart.

Sa nasabing podcast, tinanong ni Kyline kung bakit siya hinintay ni Mavy for two years at ang sagot ng binata, “Cause I’ve been telling you in those 2 years how meaningful of a person you are. Kyline knows once I say something and I promised it, I never break it. And one of the promises I said was no matter what you decide, I will never leave your side.”

Hindi sila noon nag-usap for a few months dahil pinili ni Mavy na tutukan ang kanyang well-being. Pero pag-amin niya, “I still kept my promise because without her knowing, I was messaging the people around her checking only on her.”

Kinilig ang maraming netizen sa rebelasyon na ito ni Mavy at komento nila, “Grabe ‘yun Mavy. I hope dumami pa ang katulad mo,” at “Omg ang swerte ni Kyline, sobrang green flag ni Mavy. Sana all.”

Subaybayan at ‘wag pahuhuli sa marami pang nakakakilig na usapan sa ‘MavLine On Me’ podcast now streaming on Spotify.

Samantala, patuloy pa ring napapanood sina Mavy at Kyline tuwing Linggo sa All-Out Sundays.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...