Mga eksena sa ‘Nakarehas Na Puso,’ lalong tumitindi! - TrueID

Mga eksena sa ‘Nakarehas Na Puso,’ lalong tumitindi!

Philippine EntertainmentOctober 21, 2022

Lalo pang nagiging kapana-panabik ang bawat hapon ng mga Kapuso dahil sa hit GMA Afternoon Prime Series na ‘Nakarehas Na Puso.’

Bida sa seryeng ito ang batikang aktres na si Jean Garcia na puring-puri ng netizens sa husay sa pagganap sa kanyang mga eksena.

Sa teaser na pinost ng GMA Drama Facebook page, makikita ang nalalapit na pagbabalik ni Amelia (Jean) sa buhay ng kanyang panganay na anak na si Lea (Vaness Del Moral). Handa na nga ba si Amelia na muling magpakita kay Lea kahit matindi ang galit nito sa kanya?

Samantala, pilit namang binibigay ni Lea ang lahat para sa kanyang anak na si Nica (Ashley Sarmiento) pero malayo pa rin ang loob sa kanya ng dalaga. Sapat ba ang mga materyal na bagay para maging isang mabuting ina?

Subaybayan ang mas tumitinding eksena sa ‘Nakarehas Na Puso’ tuwing 4:15 PM, Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...