Mother-Son tandems, makikisaya sa ‘Game of the Gens’

Philippine EntertainmentFebruary 28, 2021

Exciting ang episode ng all-original comedy game show na Game of the Gens ngayong Linggo (February 28) sa GTV.

Battle of the Mother-Son Duos kasi ang hatid nina Rocco Nacino at Martin del Rosario kasama ang kanilang mga inang sina Mommy Linda at Mommy Tet sa pagalingan sa pagsagot ng trivia questions.

Tiyak ding mag-e-enjoy ang mga manonood sa kulitan kasama ang hosts na sina Sef Cadayona at Andre Paras na sasamahan pa ng talented na Gen Dolls.

Kaya naman huwag nang palampasin ang Game of the Gens ngayong Linggo, 7:45pm, sa GTV.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...