Third installment ng ‘Mano Po Legacy’ series, star-studded ang cast! - TrueID

Third installment ng ‘Mano Po Legacy’ series, star-studded ang cast!

Philippine EntertainmentOctober 16, 2022

Kinasasabikan na ang nalalapit na world premiere ng third installment ng ‘Mano Po Legacy’ series na “The Flower Sisters.”

Ang “The Flower Sisters” ay tungkol sa apat na Chua sisters na may iisang ama pero magkakaibang ina.

Pagbibidahan ang serye nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian, at Beauty Gonzalez.

Agad namang umani ng positive feedback ang teaser plug ng serye kung saan mapapanood ang tagisan ng apat sa drama.

“Wow Bongga to, Si Aiko at Beauty parehong palaban!” comment ng isang netizen.

Ayon naman sa isang fan na excited na sa pagsisimula ng programa, “Wow grabe ang GMA galing nyo. Congrats.”

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...