Jeff Canoy, kinilala bilang Top News Personality sa 8th Paragala Awards - TrueID

Jeff Canoy, kinilala bilang Top News Personality sa 8th Paragala Awards

Philippine EntertainmentSeptember 3, 2021

Isa ang premyadong mamamahayag na si Jeff Canoy sa mga pinarangalan ng Crisis Coverage Award: Top News Personalities sa ginanap na 8th Paragala Central Luzon Media Awards.

Kinilala ang ABS-CBN News anchor, reporter, at documentarist sa kanyang pagsisikap na makapaghatid ng mahahalaga at mapagkakatiwalaang balita at impormasyon sa publiko, lalo na sa panahon ng isang health emergency.

“Talagang nakakataba po ng puso ito pong pagkilala mula sa Paragala. Salamat po sa pagsuportang ibinibigay niyo po sa ABS-CBN, sa malayang pamamahayag, gayundin sa patuloy na ibinibigay na serbisyo namin para sa mga Pilipino. Thank you po at ingat po kayong lahat,” ani Jeff sa ginanap na virtual awarding ceremony noong Agosto 28.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...