GMA Afternoon Prime, hindi mapantayan sa bigating mga programa - TrueID

GMA Afternoon Prime, hindi mapantayan sa bigating mga programa

Philippine EntertainmentOctober 15, 2022

Walang sawang inaabangan tuwing hapon ang mga pasabog, tapatan, at pag-iibigan na hatid ng mga programa sa GMA Afternoon Prime.

Tulad ng paghanga ng netizens sa pagbangon at katapangan ni Annalyn (Jillian Ward) sa tuwing inaapi siya sa ‘Abot Kamay na Pangarap,’ “Good ganyan lumalaban ang bida sa kontrabida, ‘di nagpapatalo sa iba. Good job sa director. Ituloy lang ‘yung ganda ng tema ng palabas. Gusto ko ‘yung bida na kinakalaban nila pero lumalaban at ‘di nagpapatalo sa mga umaapi” komento ng isang fan sa Facebook page ng GMA Drama.

Patuloy namang sinusubok ang samahan nina Eden (Elle Villanueva) at Red (Derrick Monasterio) sa ‘Return to Paradise’ kaya mas lalo pang inaabangan ng netizens kung ano ang mangyayari sa kanilang relasyon. “Nakaka-adik ang Return to Paradise. Nagsisiksikan kami ngayon sa bahay para lang mapanuod ito kasi the best talaga. Nakakainis din si Sabina (Liezel Lopez) kasi ang hilig manira ng may relasyon,” komento ng isang fan.

Kasabay naman ng pagkakakulong ni Amelia (Jean Garcia) sa ‘Nakarehas na Puso,’ ang pagbuhos ng simpatya at suporta sa kanya ng mga manonood, “Fight lang Amelia. Kaya mo ‘yan! Darating ang panahon na makakabawi ka rin at mananagot ang dapat managot,” komento naman ng isang avid viewer.

Inaabangan na rin ang upcoming premiere ng ‘Unica Hija’ na pagbibidahan nina Kate Valdez, Katrina Halili, at Kelvin Miranda.

Huwag pahuhuli sa mga kwentong puno ng inspirasyon, pagmamahal at pag-asa sa ‘Abot Kamay na Pangarap,’ ‘Return to Paradise,’ ‘Nakarehas na Puso,’ at ‘Unica Hija’ sa mas pinalakas na GMA Afternoon Prime.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...