Team Adelle vs Team Kelly sa ‘Love of My Life’

Philippine EntertainmentFebruary 28, 2021

Tutok na tutok ang lahat sa mas tumitinding mga eksena sa hit GMA primetime series na ‘Love of My Life’ at patunay dito ang patuloy na pamamayagpag sa ratings at pag-trending sa social media ng serye.

Usap-usapan naman ang recent episode kung saan tuluyan nang itinigil ni Nikolai (Mikael Daez) ang nararamdaman niya para kay Adelle (Carla Abellana) at sa halip ay pinili si Kelly (Rhian Ramos).

Maraming viewers at netizens din ang bumilib sa closure scene sa pagitan nina Nikolai at Adelle. Post ng isa, “Super ganda talaga ng LOML, dami kong niluha. #LOMLGoodbyeFeelings.”

Kani-kaniya namang hula at opinyon ang viewers kung si Adelle o Kelly nga ba ang dapat na makatuluyan ni Nikolai sa huli lalo pa at nabuking na rin ni Kelly ang lihim ni Adelle na may nararamdaman din ito para kay Nikolai.

Sino nga ba kina Team Adelle o Team Kelly ang magwawagi sa puso ni Nikolai? Tumutok lang sa tumitinding mga eksena sa Love of My Life, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...