Pagpapakilig nina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa ‘Love Beneath The Stars,’ trending sa social media - TrueID

Pagpapakilig nina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa ‘Love Beneath The Stars,’ trending sa social media

Philippine EntertainmentAugust 17, 2021

Waging wagi sa kilig ang fans na naghintay sa “Love Beneath the Stars” nina Adrian Lindayag at Keann Johnson kaya naman inabangan nila ang premiere nito sa iWantTFC at mainit na pinag-usapan sa social media.

Trending sa Twitter Philippines ang unang episode ng serye kung saan napanood ang lumalalim na pag-iibigan nina Luke (Keann) at Dominic (Adrian) at lambingan sa isa’t isa. Ipinakilala rin ang karakter ni Gio (Vaughn Piczon), ang kababata ni Dominic na maaaring maging sagabal sa relasyon ng dalawa.

Dumagsa rin ang mga positibong komento sa social media tungkol sa mga nakakakilig na eksena sa serye, na nagsisilbing kadugtong ng pelikulang “The Boy Foretold by the Stars.”

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...