‘Count Your Lucky Stars,’ mapapanood na sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5

Philippine Entertainment

March 14, 2021

Mas maraming pang pakikiligin ang tambalan ng orihinal na Dao Ming Si na si Jerry Yan at ang Shan Chai ng bagong henerasyon na si Shen Yue dahil mapapanood na rin ang serye nilang “Count Your Lucky Stars” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at Kapamilya Online Live simula sa Lunes (Marso 15), 10 pm pagkatapos ng “Walang Hanggang Paalam.”

Umiikot ang kwento nito kay Calvin Lu (Jerry) na isang heartthrob at kinikilalang fashion designer sa kabila ng kanyang pagkasuplado. Isa ring fashion designer si Andi Tong (Shen), pero hindi umuusad ang karera dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa buhay.

Pero magkakapalit ang kanilang kapalaran sa isang hindi inaasahang aksidente, kung saan uulanin na ng swerte si Andi, habang susundan ng kamalasan si Calvin.

Pumatok ang “Count Your Lucky Stars” nang ipinalabas ito kamakailan sa Pilipinas sa iWantTFC at pumasok sa top 10 na pinakapinapanood na palabas.

Bago pa man ito ipinalabas sa iWantTFC, naging usap-usapan na ang series ng netizens dahil sa naging viral sa social media ang larawan ng bida nitong si Jerry Yan habang nasa bath tub. Sabi ng netizens, tila hindi tumatanda ang aktor na unang kinagiliwan ng publiko sa kanyang role bilang Dao Ming Si sa Taiwanese series na “Meteor Garden.”

Bukod sa iWantTFC, mapapanood na rin ito ngayon online sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, kasabay ng pagpapalabas nito sa Kapamilya Channel.

Loading...
Loading...
Loading...

Related News