‘La Vida Lena’ number one show sa iWantTFC, fans nanggigigil na para sa bagong yugto - TrueID

‘La Vida Lena’ number one show sa iWantTFC, fans nanggigigil na para sa bagong yugto

Philippine EntertainmentSeptember 2, 2021

Tuwang-tuwa ang mga manonood sa tarayan at gantihan nina Erich Gonzales, Janice De Belen, Agot Isidro, at Raymond Bagatsing sa “La Vida Lena” kaya dalawang linggo na itong numero unong show sa iWantTFC.

Tamang-tama na magsisimula na rin ang bagong yugto ng “La Vida Lena” at tiyak na kakapitan ng mga manonood ang pang-aakit ni Lena (Erich) kay Adrian (JC De Vera) at ang unti-unti niyang paniningil ng karma sa mga kaaway niya, ang makapangyarihang pamilya Narciso.

Papakawalan na ni Lena ang bagsik ng kanyang galit sa ikalawang season dahil iisa-isahin niyang pababagsakin ang mga galamay ni Lucas (Raymond). Una, aakitin ni Lena si Miguel (Kit Thompson) para masira ang relasyon nito sa asawang si Rachel (Sofia Andres). Wawasakin din ni Lena ang relasyon nina Lucas at Vanessa dahil ipagkakalat niyang hindi si Lucas ang ama ni Adrian, kundi ang matagal na nilang kaibigang si Conrad (Christian Vasquez). Patuloy namang magkukunwari si Lena na dala-dala niya ang anak ni Adrian, kaya patuloy rin niyang mabibilog ang utak nito at mapapasunod sa mga gusto niya.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...