Carla Abellana, may bilin kay Tom Rodriguez

Philippine Entertainment

July 2, 2021

Video message mula kay Carla Abellana ang naging surprise para kay Tom Rodriguez sa nagdaang Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV para sa upcoming series na ‘The World Between Us’ nitong Miyerkules, June 30.

“Hi, Daddy! Congratulations for being part of ‘The World Between Us.’ This is it! I know how eager you have been to get back to work, to be part of such an amazing production team, inggit ako sa’yo, to have great co-actors, and to portray yet another challenging role,” ani Carla.

Gumaganap bilang kontrabida sa kuwento ang karakter ni Tom sa nasabing serye. Pabiro pang bilin ni Carla, “Hinay hinay lang sa pag-api kay Alden, napag-usapan na natin ‘yan. Sabi ko sa ‘yo, wag mo masyadong aapihin si Alden at lagot tayo sa mga fans niya.”

Loading...
Loading...
Loading...

Related News