Aicelle Santos, maraming natuklasan simula nang maging mommy

Philippine EntertainmentMay 24, 2021

Kuwento ng Soul Diva na si Aicelle Santos, maraming bagay ang nabago at natuklasan niya tungkol sa kaniyang sarili simula nang maging ganap na mommy siya kay Baby Zandrine.

Sa nakaraang interview niya, ibinahagi ni Aicelle na nasorpresa siya sa mga kinakaya niyang gawin para sa anak, “What surprised me the most is how much you can change for your child. Now na mayroon ka ng anak, pag gumising na ang anak mo ng 6:30 AM, wala kang choice, kailangan mong gumising ng ganoon kaaga. Magche-change siya, magfi-feed siya, kailangan mong magpa-araw. Yun ‘yung mga bagay na naisip kong kaya ko palang magbago. Bakit? Kasi mahal na mahal mo ‘yung anak mo and you will do everything or anything for her.”

Bukod sa pagiging mommy, abala rin si Aicelle bilang mainstay performer sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays’ at pagiging judge sa world class singing competition for kids ng GMA na ‘Centerstage.’

Read More
Loading...
Loading...
Loading...