2021 GMA Christmas Station ID jingle, nakaka-LSS! - TrueID

2021 GMA Christmas Station ID jingle, nakaka-LSS!

Philippine EntertainmentOctober 19, 2021

Paskong pasko na nga sa Kapuso Network dahil ipinalabas na nitong Linggo sa All-Out Sundays ang lyric video ng GMA Christmas Station ID (CSID) 2021 jingle na pinamagatang “Love Together, Hope Together.”

Pagmamahal at pag-asa ang tema nito. “Sa dami ng pagsubok na dumating, lahat ito’y ating nalagpasan sapagkat sama-sama natin itong pinagdaanan. Kaya naman sa muling pagsapit ng Pasko, nakangiti natin itong sasalubungin, at hawak-kamay nating haharapin ang bagong umaga,” lahad ng GMA.

Muling nagsama ang mahuhusay na Kapuso singers na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose kasama sina Rita Daniela, Christian Bautista, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Anthony Rosaldo, Mark Bautista, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin, XOXO, Thea Astley, Garrett Bolden, pati na rin sina Arra San Agustin, Faith Da Silva, at Ms. Lani Misalucha.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...