‘Dear MOR’ at ‘Gapnud Sa Kinabuhi,’ bahagi rin ng Kapamilya Youniverse sa YouTube - TrueID

‘Dear MOR’ at ‘Gapnud Sa Kinabuhi,’ bahagi rin ng Kapamilya Youniverse sa YouTube

Philippine EntertainmentAugust 21, 2021

Kwento ng tunay na buhay ng mga Pinoy at musikang babagay sa kahit anong mood ang hatid ng “Dear MOR,” “Gapnud sa Kinabuhi,” “Bedtime Stories,” at “MOR Playlist” sa bagong Kapamilya YOUniverse sa pamamagitan ng MOR Entertainment YouTube channel simula sa Linggo (August 22).

Samahan ang pinag-uusapang tambalan nina Popoy at Betina sa “Dear MOR,” ang patok na programa sa iba’t ibang social media platforms ng MOR Entertainment at isa rin sa top local podcasts sa Spotify. Hatid nito ang mga istorya ng buhay at pag-ibig galing sa letter senders na talaga namang nagbibigay inspirasyon sa mga manonood.

Nagbabalik naman para magpasaya ang paboritong Bisaya program na “Gapnud sa Kinabuhi” kasama sina Kokoy mula sa Davao at si Mary Jay mula sa Cagayan de Oro.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...