Paulo Avelino, pipigilan ang kasalang Angelica Panganiban-Zanjoe Marudo sa ‘Walang Hanggang Paalam’

Philippine EntertainmentMarch 10, 2021

Sa kabila ng pagtatago niya mula sa mga awtoridad, isusugal na ni Emman (Paulo Avelino) ang kanyang buhay upang pigilan ang kasal ng dati niyang kasintahang si Celine (Angelica Panganiban) ngayong linggo sa Kapamilya teleserye na “Walang Hanggang Paalam,” na napapanood na gabi-gabi sa TV5.

Magdedesisyon si Emman na pigilan ang kasal ni Celine kay Anton (Zanjoe Marudo) matapos niyang matuklasan na nagpapanggap na lamang si Celine na mahal niya si Anton upang malaman ang mga sikreto tungkol sa iligal na negosyo ng pamilya nito.

Nakatakda namang sumailalim ulit sa isang heart transplant si Anton habang patuloy na nanganganib ang kanyang pamilya dahil unti-unti nang lumalabas ang mga ebidensya na nagpapatunay na kasama nga si Leo (Tonton Gutierrez) sa sindikato.

Mapigilan pa kaya ni Emman ang kasal ni Celine? Hanggang kailan paninindigan ni Celine ang pagkukunwari niya kay Anton?

Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” gabi-gabi sa TV5 at A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...