Katrina Halili at Shayne Sava, ikinuwento ang ‘di malilimutang ‘kilig’ moments

Philippine EntertainmentApril 13, 2021

Masayang ibinahagi ng StarStruck alumnae na sina Katrina Halili at Shayne Sava ang ilan sa kanilang mga karanasan tungkol sa dating at kalalakihan sa kanilang guest appearance sa Mars Pa More.

Sumabak ang dalawa sa nakakaaliw na larong ‘On The Spot’ kung saan kailangan nilang kumpletuhin ang sentences na nagsisimula sa “Ang mga lalaki kasi…”

Natanong sina Katrina at Shayne kung ano ang ‘di nila malilimutang kilig moments. Pag-amin ni Shayne, “Siguro po nung sinabi rin sa’kin nung crush ko na crush niya rin ako.

Nahirapan namang alalahanin ni Katrina ang huling beses na siya ay kinilig dahil sa isang crush o manliligaw, “Mars, ang hirap naman ng mga tanong n’yo, mga lalaki. Wala talaga akong kilig sa kanila. Wala na akong maalala. Burado na sila.”

Sa huli, ikinuwento ng aktres na may isa raw pursigidong manliligaw na nakilala niya sa Boracay ang pinaka-naaalala niyang nagpakilig sa kaniya.

Samantala, kabilang si Shayne sa upcoming cultural drama series na ‘Legal Wives’ habang si Katrina naman ay mapapanood sa second season ng top-rating Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas.’ 

Read More
Loading...
Loading...
Loading...