Kyle Echarri, Albie Casino, at Chie Filomeno, ‘PBB Kumunity’ Celebrity Housemates na! - TrueID

Kyle Echarri, Albie Casino, at Chie Filomeno, ‘PBB Kumunity’ Celebrity Housemates na!

Philippine EntertainmentOctober 19, 2021

Naging pasabog ang pagsisimula ng “PBB Kumunity” Celebrity Edition noong Sabado (Oktubre 16) nang inanunsyo na kabilang sa lima pang karagdagang celebrity housemates ni Kuya ang Kapamilya stars na sina Kyle Echarri, Albie Casino, at Chie Filomeno.

Ikinagulat ng netizens ang sorpresa ni Kuya kaya naman nakapagtala ang programa ng multiple trending topics sa Twitter at nasungkit pa nito ang number one spot.

Sabay ding ipinakilala ni Kuya ang dalawang Kumu streamers na magiging celebrity housemates din. Sina Jordan Andrews at Benedix Ramos ang dalawang nagwagi sa ginanap na “Online Bahay ni Kuya on Kumu.” Kasalukuyang tinatapos ng lima ang kanilang mandatory quarantine at medical at psychological tests bago pumasok sa bahay ni Kuya.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...