Star Magic at Bayan Mo, Ipatrol Mo, sanib-pwersa para hikayatin ang mga Pilipino na magparehistro para sa halalan 2022 - TrueID

Star Magic at Bayan Mo, Ipatrol Mo, sanib-pwersa para hikayatin ang mga Pilipino na magparehistro para sa halalan 2022

Philippine EntertainmentAugust 21, 2021

Buong pusong gagamitin ng Star Magic artists ang kanilang boses para imulat ang lipunan sa kahalagahan ng bawat boto bilang mga ambassador ng voter registration campaign ng Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) ng ABS-CBN.

Inilunsad ang pagtutulungan sa pagitan ng Star Magic at BMPM katuwang ang Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes (Agosto 19), kung saan ipinakilala na rin ang mga makakasama sa pag-engganyo sa mga Pilipino na magparehistro upang makaboto sa darating na halalan sa 2022.

Kabilang sa kanila sina Robi Domingo, Ria Atayde, Edward Barber, Donny Pangilinan, Miles Ocampo, Aya Fernandez, Alora Sasam, Karina Bautista, Josh Colet, Anji Salvacion, Charles Kieron, Heaven Peralejo, Pepe Herrera, at Dominic Ochoa.

Read More
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...